Sunday, February 6, 2011

star struck


prince stefan,

na-star struck ako sa'yo! ang cute mo, pati 'yung pag takbo mo. onting kembot na lang baka mag-transfer ka na from cosmopolitan model to FHM covergirl. pramis!

inggit lang sa fez and katawan ni prince,
akez

Thursday, February 3, 2011

Heaven, Earthness Impernes!


kanta tayo! peyborit ko 'to laruin nung bata ako. sana alam ko na na diwata ako that time para ganito ko siya kakantahin para makapili kung sino ang matataya...

Heaven, earthness impernes
Im, im impernes
Saksak heartness, tulo ang dugetch
Dead, alive, umalis ka na jan sa place mo!

* Kapag naturo ka at natapos ang kanta, get get out ka na tapos sing galore ulit hanggang sa isa na lang ang matira at siya ang taya
* Kaya ang teknik, ako lagi ang sing galore dapat nung panahon na yun para kapag natapos ang song at hindi saken nakaturo, dudugtungan ko yung kanta katulad nito..
 
 ...U-ma-lis ka na jan sa place mo. ta-la-ga! (kapag hindi pa rin saken natapat) dugtungan pa ng, ta-la-gang ta-la-ga?

* Kaw na bahala mag adlib basta dapat kaw ang maturo pag end ng song. bata pa lang magulang na!


walang ma-i-post kaya eme eme na lang,
akez

Wednesday, February 2, 2011

hindi ako masungit!


fine, fresh, fierce! california gurl lang ang eksena ko 'pag labas ko ng baler. freshness pa talaga akez. bukod sa natural na maganda (at ambisyosa) eh may kahabaan ng kaunti ang tulog ko kaya mejo maganda ang pakiramdam ko.

syetness! parang aagawan ako ng eksena ni sunshine dizon, wala akong choice kundi gumamit ng umbrella, ella, ella, eh, eh, eh kaysa naman masayang 'yung paggamit gamit ko ng silka papaya sa skin kong pinipilit pumusyaw. pawisin pa naman ang bakla. pero sabi ko sa sarili (talagang kinausap ko ang sarili ko), "walang makakapigil sa kagandahan ko" (truly ambitious lang!).

walkathon akez from apartment hanggang mrt station sa guadalahara, mexico (charot! guadalupe lang pala). pagdating sa mrt isteysyen, may kahabaan ang pila sa bilihan ng tiket. walang pangamba ang bakla dahil may stored value akez kaya ang eksena ay dapat tumabi ang lahat ng mahihirap na walang pambili ng stored value tikcket (matapobre?) at ako'y mauuna na mag-enter the dragon.

after thirty minutes (kasama na d'un 'yung waiting in vain ko sa pagdating ng tren ng mrt at lrt 1), walkathon ulet ang eksena ko papunta ng robinson's place sa malate. si bakla, frehness pa rin! walang aarte!

pagdating sa mall super pila para i-check ang bagelya kung may bomba bang laman. si guardenia super strict (keri lang naman kasi para sa safety ng mga utaw). subalit pag bukas niya ng bagelya ko biglang....

ako: syet! kaya nga sweet lang pagkaka-bukas ng bag ko may problema 'yung zipper eh!

guardenia: eh kelangan lang po kasi i-check saka trabaho lang po 'to!

ako: ay, ganun?! so kasama sa trabaho mo na sirain ang bag ko? pag hindi ko to naayos, mapapalitan mo ba 'to?

guardenia: wag kayong magalit. trabaho nga lang to!

ako: nyeta ka! imbierna mo ko! tabi nga jan!

sa sobrang galaiti ni bakla, na-stress ako bigla. pinagpawisan ng bongga. nawala sa posisyon yung bangs ko na mortal sin kapag na-distort ang form.

pagdating sa coffee shop.. andun na ang friendship ko na ishogo naten sa namesung na grandiosa. waiting for tonight si bakla habang enjoy na enjoy sa wifi gamit ang kanyang brand new laptop. shala!

grandiosa: hi, friend! tagal mo ha!

ako: shugality mag-check yung guardenia ng bagels, sinira pa 'yung zipper. imbey! sobra!

grandiosa: friend, bawas bawasan mo kasungitan mo. yan ka na naman. parang monster ka na naman, baka mamaya lahat ng tao dito awayin mo na naman dahil na-bad trip ka.

ako: hindi ako masungit! hindi ako war freak! eh kainis eh. o sige, magre-relax ako. inhale. exhale. inhale. exhale.... haaaayyy.. grrrrr... imbey pa rin ako! asan na ba si everly (friendship namen na gurlilet). huling text nya punta daw sila ng boylilet nya aroung 6 pm. halleeeeerrrr.. 4 pm pa lang.

grandiosa: kaw lang naman kasi may gusto ng mas maaga kahit sinabi na nilang maya pa sila pwede. tapos aarte ka. gulo ha!

ako: keber!

after 50 golden years....

grandiosa: friend, lakad na sila paunta dito.

ako: re-touch muna akez teh. baka sabihin naman ng boylilet niya may friend kayong hampaslupa.

sa loob ng c.r., powder galore ng fez si bakla. syempre dahil maarte ako at pinawisan na ang damit ko, super palit ako ng damit (ready ako lagi para sa mga ganyang eksena). habang nagpapalit ng damit..

from outside, tok, tok, tok! (sweet na katok pa lang)

ako: may tao po. saglit lang po. (pa sweet pa ang effect). kaya nga may lock kasi may tao (pabulong ito)

tok, tok, tok (mejo may nginig factor na)

ako: saglit lang po. matatapos na po. (nataranta lalo)

tok, tok, tok (parang buong pwersa na ang ginamit sa pagkatok. kumbaga si gokou lang siya nung unang katok, yung point na 'to eh super saiyan na siya)

ako: punyeta naman! may tao nga! may tao! may tao! naka-lock nga di ba?! may tao!

pagbukas ko ng pinto... (bulaga!) isang majonda pala ang next in line. around 70 plus na yata si mother. nahiya ako bigla sa inasal ko at humingi ako ng paumanhin. dinedma niya ko. naintindihan ko siya kasi majonda na siya. usually may incontinence na yung mga ganyang edad at talagang hirap na magpigil. kasunod ni mother ay isang bilat na super chaka at mega hagikgik at talagang obvious na hagikgik siya dahil napahiya ako sa pagtataray ko sa isang matanda.

nagmukha tuloy akong baklang contesera na nadapa sa stage habang rumarampa ng makita ko ang hagikgik ni ateng chopsuey. at talagang super tingin pa siya sa'ken para ipamukha na napahiya ako.

ako: hoy! anung tinatawa mo jan? wag mo akong arte artehan ng ganyan dahil walang nakakatawa dahil yung mukha mo ang nakakatawa. imbiernang 'to! hindi ka maganda kaya wag mo kong aartehan! pakyu!

grandiosa: tumigil ka na, hugs!

everly : (dumating na pala sila kasama si boylilet na mukhang na-shock sa eksena ko) hugs, tama na!

ako: eh gagang yan eh! kung makatawa akala mo n aman kagandahan! malay ko bang matanda yung kumakatok at pakialam niya ba. impaktang yan!

maya maya... si ateng chopsuey, pumunta sa friendship niya after mag-rest room. sabay turo sa'ken.

ako: hoy! may turo turo ka pa jan ha! pakyu! nyetang 'to! siya pa nagsumbong eh siya nga 'tong maldita.

grandiosa: hugs, tama na yan! so hindi ka talaga masungit nyan? hindi ka war freak? so ang lahat eh kasalanan nila kaya ka ganyan. friend, ngayon ko lang 'to sasabihin ha. kame kasi, kaya ka namen intindihin. eh paanu yung ibang mga hindi ka kilala? alam ba nila na ganyan ka lang talaga? masasakyan ka ba nila?

bigla tuloy ako natahimik. hindi ko alam kung nahiya ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko o nahimasmasan ako ng makita kong parang natakot din sa'ken bigla yung boylilet ni everly sa nasaksihan niya.

ako: boylilet ni everly, natakot ka ba sa'ken? masungit ba talaga ako?

boylilet: (silent lang)

grandiosa and everly: (duet ito!) aaaayyy!!!! hindi! sobrang hindi!