Tuesday, January 11, 2011

ang hirap pala ng ganitong eksena. hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'tong blog na itey. i must say na birhen pa akez literally and figuratively. charito!

para sa una kong entry isang napaka walang kwenta at walang ka-amor amor na post ang iniaalay ko sa inyo (as if may nagbabasa nito sa mga sandaling ito maliban sa'kin) hahaha...

habang busy ako sa pagta-type dito, mejo pasilip silip si kuyang amoy tinapay(putok) dito sa tabi ko. chuserang 'to! chismax to the max! patas na kame kasi na-tsismis ko na fesbuk na amoy tinapay siya. pag nagkaroon ako ng chance talaga, isasawsaw ko sa kape yung kili kili niya. ang tindi talaga ng aroma, humahagod, gumuguhit. kakaadik.
 
hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob ng gumawa ng sarili kong blog. wala rin naman akong alam sa pagsusulat ng mga ganitong eksena. marami sa mga officemates ko ang tuwang tuwa sa mga posts ko sa fesbuk sa hindi malamang kadahilanan at gusto nila mag-post ako ng mag-post hanggang sa maumay sila. siguro bukod sa marami sa kanila ang aliw na aliw sa mga walang ka-kuwenta kuwenta kong posts, sobrang na-inspire talaga ako simula ng mabasa ko ang mga blogs ng mga pamosong sina BM, soltero, aris, manadaya-moore at kung sinu sino pa.

nagsmiula ang lahat ng ito ng mapadpad ako sa powerbooks (sa Trinoma) at bumili ako ng pink book (ni Wanda) out of the blue. Matapos kong mabasa ang buklilet sa isang upuan (hindi itey exaggerated, masakit sa puwet kasi may katagalan), isang link na nakalagay sa likuran nito at ito nga ang kanyang blog (na hanging by a moment na ang drama).

kasabay ng pag-perspire ng kili kili ko ngayon, na-inspire ako matapos ko mabasa ang mga istorya nya, sinundan pa nun ng mga nakakaaliw at nakakalokang blogs ni BM at makapanindig enTITY na stories ng inglaterang si soltero (nyetang soltero yan! umuuwi ako from office na laging masakit puson dahil sa mga kuwento nya). hindi ko alam kung sadyang inggit lang ako at gusto ko silang gayahin or ewan. hindi ko rin naman inaasam na maging popular na maging tulad nila sa mundong ito (dahil popular na ako, choz!) dahil mukhang hindi naman mangyayari for obvious reason (dahil sa walng kwentang entry na 'to!) hahahaha...

gusto ko lang siguro ilabas ang mga nararamdaman ko rito (twitter?), maglahad ng mga karanasan ko at hopefully magbigay ng aral kung mayroon mang maibibigay na lesson ang mga ipo-post ko pa rito soon. isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ginusto kong kumembot ng ganito ay upang maibaling ko ang aking atensyon dito dahil sa kawalan ng lablayp. pero kung anu pa mang dahilan ang idahilan ko sa inyo, basta gusto ko itong ginagawa ako. kung anuman ang kahahantungan nito... yun! hahahaha.. muntanga lang! wala na ako maisip. sana next kembot, may katuturan naman yung nakalagay dito. at hindi ko maipapangako na kaya kong pantayan ang lebel ng mga ingla ingla nila. tae tae english ko eh. hahaha...

eksena lang,
ako

6 comments:

Anonymous said...

ibang level kana tlga ngayon mav.. anu pba gusto mong marating? at anung gusto mong patunayan samin hahaha.. im so proud of you.. di kpa naglason nung bata.. char.. inferness natatawa ako sa blog. may iba k papalang talent nukod sa pag split mo nung bata.

hugs said...

@ anon: shutanginamez ka, friend! talagang namesung ko ang nilagay mo jan ha. nickname ko na nga gamit ko eh. ang saya saya ko at may bumasa rin ng blogelyang itez! muntik ko pang maging friendship ang unang kumomentaryo. salamat sa bestfriend kong talipandas! mwah! magpakita ka na ulit, bektas!

Anonymous said...

nk2aliw mga blog m =) bt dmo sbhn s kasamahan m kung gano xa ka bango ng dka nag durusa heheh

Ako si Diosa said...

I love your blog. Its funny..P areho tayo ng katawan teh. Malakas lumamon wit pa din effect.Keep your entries coming..

hugs said...

@ akosidiosa:

thanks, friend! friend na agad? hahaha.. honestly, kaw pa lamang ang kusang nag-comment sa blogelyang itez! lahat ng mga komento jan sapilitan, pamparami lang. hahahha.. super thanks, diosa (kalahi pala kita, diwata akez) at pareho nga tayong balingkinitan, in fairview! mwah!

hugs said...

@ anon: thanks! bakit ako hindi naaaliw? charlotte! pwede ko namang sabihin sa kanya, may sapak nga lang ako siguro kapag sinabi ko.