hindi ko alam kung paano ko uumpisihan i-share ang lab istori namen ni joypren. pero dahil nga ang sabi ay "uumpisahan" so kwento ko kung paano kami nagkakilala.
nagsimula ang lahat sa isang makasaysayang mall sa maynila, ang robinson's place malate. may hinihintay akong friend nung time na yun pero wit ko knowsline kung trulili bang may hinihintay ako or nagpapanggap lang akong naghihintay dahil agenda ko talagang lumandi. chariz! may hinihintay talaga ako, hindi nga lang talaga dumating kaya imbudung imbudo talaga ako nung mga oras na yun. super salubong na ang mga kalat kong kilay at yung nguso ko talo pa yung ilong ni pinocchio na ultimate sa kasinungalingan sa sobrang haba. habang waiting for tonight ang beauty ko sa tapat ng isang susyalin at pangmaharlikang boutique biglang may aparisyon ng isang patpatin, moreno at may katangkaran ng kaunti na lalaki. cute siya, for me. dahil singular ako that time, inatake agad ng kalandian ang pagkababae ko at super titig agad ako ng bonggang bonggang bonggambilya sa lalaki. napansin niya at gumanti siya ng makahulagang titig na may panakanakang pag-iwas ng tingin. kinilig ako. patuloy ang aming titigan habang nakatayo ako at siya nama'y naglalakad hanggang sa makalayo na siya at hindi ko na matanaw. "sayang!" naisip ko. maya maya lamang ay I shall return ang eksena ng lalaki at hindi ko na pinalagpas ang chance of a cloudy meatballs at di ko naisip na baka straight pala siya at baka ma-boogie wonderland niya ako kapag nilapitan ko siya. sinenyasan ko siya na lumapit. lumapit naman siya.
lalaki: bakit?
ako: wala.
lalaki: may hinihintay ka?
ako: meron.
lalaki: sino?
ako: ikaw!
lalaki: hahahaha.. ang kulit mo. sino nga?
ako: asawa ko.
lalaki. ah. so may asawa ka na.
ako: oo. ikaw. kaya nga kita hinihintay eh.
at natawa na lang siya sa sobrang kalandian ko. hindi ko alam na may kasama pala siya na super waiting in vain sa gilid, anak ng pinsan niya na super cute at ang yaya ng bagets. pinaupo niya muna ang dalawa sa hagdanan habang hinihintay nila ang pinsan niya at para ituloy ang simula ng aming lab istori. hihihi (landi!)
lalaki: bukas paalis na ako papuntang brunei, gabi ang flight ko. kasama ko lola ko saka tito ko. bakasyon lang sana. pero kung makahanap ng trabaho (siya nga pala, registered nurse siya), dun muna ako kahit 1 year lang.
ako: kakakilala pa lang naten, iiwan mo na agad ako? (landi talaga! hihihi)
lalaki: gusto mo kita tayo bukas, lunch time. gabi pa naman alis ko eh.
ako: sige tingnan ko kung pwede ako.
kinabukasan. hindi pumunta ako ulit ng mall. hindi siya sumipot. nagdamdam ako. minura ko siya through text. nag-sorry siya. i asked him to delete my no. (oh di ba? napa-english ang bakla) at umuwi akong luhaan.
ngunit!!!!!! eto na yun! few months after, isang mensahe ang aking natanggap mula sa lalaking hindi sumipot sa aming usapan. kakabalik niya lang daw from brunei. niyayaya niya ako makipagkita sa parehong lugar. hindi ako masyadong interesado. sinaktan na niya minsan ang pihikan at sensitibo kong heartlilet. pero dahil nga singular ako at may taglay na kalandian, go for the gold pa rin akez! nagkita kaming muli.
bumongga siya. nagkalaman siya. doon ko lang rin napansin na mas matangkad pala siya sa'ken ng konti dahil lumaki ang braso at dibdib niya. parang mas cute siya this time. nahumaling ako sa kanya. matapos ang unang date namen, umamin agad ako na gusto ko siya. nag-date kaming muli nung sumunod na araw. 3 araw na sunud sunod. after a week simula nung unang date, official na! in a relationship na ang bakla! kinikilig ang kipaylalu ko!
ito pa lamang ang simula ng aming mala-fairytale na love story. sana nga siya na talaga ang prinsipe na humalik sa akin mula sa mahabang pagkakahimbing ko. ang prinsipe na humalik sa'ken at gumising mula sa pagkakahimlay ko dahil sa mansanas na pinalamon sa'ken ng tiyahin kong mangkukulam. ang prinsipe na umakyat sa tore upang makapiling ako gamit ang long, shiny at super strong braided hair ko. ang prinsipe na matagal akong hinanap upang isukat lamang ang kapares na crystal shoe na aking naiwan sa isang piging kung saan kame unang nagsayaw. ang pangarap kong prinsipe.

4 comments:
bet ko tong story na to.. kakileg, pang t.v ang drama.. really, yung mga gantong kwento wala pa kong na-witnessing in close contact. Apir. :DDD
haha ang kulit nman ng luvstory nio ng joyfrend mu,,,, sana ganun dn aku kadali mkkakuha ng jowa,,, haiz kahit anu gwin ku pag aura dedma lng saken,,, kainiz.. :))
cguraduhin m lng na mala fairy tale ang ending nyan ha...hehehe
how isweet naman your love story :">
Post a Comment