Monday, May 9, 2011

ako at ang aratilis

sa di malamang kadahilanan ay biglang dinala ako ng aking mga paa papuntang sementeryo at doo'y muling bumalik ang mga masasayang alaala ng nakaraan...

Malapit lamang sa aming baler ang cemetery (inglatera!). La Loma Cemetery to be exact (aba! inglatera talaga!)

Nasa elemnterya pa lamang ako eh shombay everlu na ako jan. join akez with may majijirap na friends sa mga adventures at ka-cheap-an dati. bet na bet namin gumawa ng "tree house" kuno sa mga puno ng aratilis. minsan, tig-iisa kame ng puno bawat bat pero pag bet namen magkakasama, sa isang malaking puno lang kame pero wag kayong aarte dahil may kani-kaniyang kuwarto kame! bonggang bonggang bogambilya di ba? kaya lang, eksena ang mga guardenia sa sementeryo, private kasi kaya kemedu ang security dun. ronda patrol palagi ang ang ermenGUARD kaya medyo no. 3 ang alert level namen. takbuhan ever kasi ang magaganap kapag nakita nila kame, habulang bugbugan ang tema. at kapag na-sight nila ang mumunting baler namen sa trees, ide-demolish nila yun ng todo hanggang sa luhaan na kame na parang wala na kameng matutuluyan sa next visit namen sa sementeryo. pero siyempre ang mga bulilit, sipag at tiyaga ang motto kaya, kada balik namen, super gawa kame ng baler. mapagod man kami sa kakagawa, mas mapapagod sila sa kakasira ang isa pa nameng motto.

"P*=@!!! anjan na si balutan! Takbo!!!" run devil run ang eksena nyan kapag narinig na namin ang panagaln ni Balutan. Siya raw kasi yung nangunguha ng bata, ilalagay niya sa sako tapos ibebenta. Nung tumanda na ako, ng onti, nalaman kong isa palang napakalaking ECHOS lang yun! imbento lang si balutan. panakot lang pala yun sa mga bata. kame naman paniwalang paniwala, takot na takot.

Kahit tanghaling tapat, gow gow gow lang kame sa sementeryo. madalas kame manguha ng aratilis. super baon pa kame ng plastic. paramihan kame ng makukuha. syempre mas marami, mas bongga, mas magaling, mas shala at sa'yo ipuputong ang korona. choz! kahit naman dugyot na kame after manguha ng peyborit nameng fruit na aratilis, linis linisan naman ang arte namen after. super wash namen yun sa running water para fresh na fresh pa siya kapag nilantakan namen.

"Aray!" biglang may tumama na shuttlecock sa ulo ko. tinamaan ako ng mga batang naglalaro ng badminton sa sementeryo kaya nabitin tuloy ang pag-reminisce ko sa aking childhood. patuloy na lamang akong nag-walkathon hanggang may nadaanan akong puno ng aratilis. namitas ako ng marami at ibinalot ko sa aking panyo. at habang ako'y walkalator, super lamon akez ng aratilis habang nakangiti at ini-imagine na ang mga sandaling 'yun ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.