Tuesday, December 20, 2011

mini stop's ultimate chicken

sa mini stop (uunahan ko na, totoo itong naganap kanina lamang. akala kasi ng iba, puro imbents lang yung mga eksena ko. hahahahah.. hirap magimbento no!)
ako: 1 pc chicken with drinks
ate: c2 po? ok.
after 10 min, mali mali pa rin ang pinagpipindot ni ateng kahera
ako: ate, utang na loob, pakibilis pa, ubos na break time ko(kakabit ang matamis na ngiti)
... ate: ay! sorry 'sir (at lumaban siya ng mas matamis na ngiti)
nakuha ko rin sa wakas ang meal after 50 golden years at umakyat muli sa 27th floor. pagbukas ko ng kahon. syet! WALANG MANOK. rice lang. bumaba akong muli at lumabas ng rcbc bldg papuntang mini stop.
ako: ate, baka gusto mong lagyan ng manok 'to? wala kasi eh.
ate: oh???
ako: wow! so niloloko kita?
ate: hindi nga 'sir???
ako: gutom na ako. lalagyan mo po ba ng manok 'to or gusto mong magbayad pa ako ulit para malagyan lang 'to ng manok dahil kasalana ko at nakatakas ang manok ng hindi ko alam?
ate: 'sir heto na po. (nilagay ang pinakamaliit na part sa kahon)
puno yata ng pag-iimbot si ate. i love mini stop. i love fried chicken. I LOVE YOU, ATE! PAKYU! Mwah!

Tuesday, June 28, 2011

the momi

plunge na plunge sa banga ang mga terms of endearment kapag may jowabels ka. siyempre hindi kame magpapahuli ni joypren jan. kaya lang naloka ako sa gusto niyang itawag saken. genito yan... (text message ang mga itez ha)

joypren: vin, tuloy ba tayo bukas sa mega mall?
ako: oo. basta napag-usapan na sure na yun! unless magtext ako na hindi pwede, ite-text ko naman agad.
joypren: ah ok. i miss u, MOMI ko! yun na lang ang itatawag ko sa'yo ha. i love u, mi!
(tumambling muna ako ng bente times bago naka-recover at nakapagreply)
ako: ok lang naman. hehe.. sure ka na ba na 'yan ang gusto mo itawag sa'ken?
joypren: oo mi. ayaw mo ba? :( sige isip na lang ako ng iba.
ako: hindi. ok lang naman. sige yun na ang tawag mo sa'ken. so dadi ang tawag ko sa'yo.
joypren: opo mi. love u mi!
ako: love din kita di! mwah!

kahit may babaitang nakakulong sa pagkato ko, medyo hindi ko bet ang "momi" kasi parang ang laswa kung tawagan niya akong momi sa gitna ng maraming pipol kung sakaling nasa mall man kame or any public place. pero dahil hindi ko mahindian si joypren, go for the gold pa rin ako sa "momi". parang nagustuhan ko naman din nung tumagal tagal kapag tinatawag niya "momi" or "mi". pero mas madalas yung shortcut lang ang giinagamit niya kapag tinatawag niya ako or kinakausap. kinkilig ang pechay ko everytime maririnig ko yun.

hindi talaga sweet sa totoong buhay si joypren. saksakan ng sungit yun! super moody. mataray. imbudo lagi sa paligid at sa sanlibutan. pero kaya ko namang i-handle. kumbaga, alam ko na ang timpla niya. ganun na siya nung nakilala ko kaya iniitindi ko na lang kapag sinusumpong ng kasungitan at kamalditahan yun. kasi kung aartehan ko rin siya at tatapatan ko ang kanyang kasungitan, showdown na ang eksena namen. warlalu. ligwak na naman. 

kaya nga kahit momi, amelia, chenelyn, victoria, sugar, cheesekeyk, hamgerger, sundae or kahit aniz pa ang bet niyang itawag sa'ken, keribambam lang. para sa'ken, sapat na yun at napaka-sweet para maglaan ng onting sandali para isipin niya yun at marinig mula sa kanya ang salitang yun na mula sa puso. (parang kame lang si via at gabriel. syetness!)

Saturday, June 25, 2011

prince charming

hindi ko alam kung paano ko uumpisihan i-share ang lab istori namen ni joypren. pero dahil nga ang sabi ay "uumpisahan" so kwento ko kung paano kami nagkakilala.

nagsimula ang lahat sa isang makasaysayang mall sa maynila, ang robinson's place malate. may hinihintay akong friend nung time na yun pero wit ko knowsline kung trulili bang may hinihintay ako or nagpapanggap lang akong naghihintay dahil agenda ko talagang lumandi. chariz! may hinihintay talaga ako, hindi nga lang talaga dumating kaya imbudung imbudo talaga ako nung mga oras na yun. super salubong na ang mga kalat kong kilay at yung nguso ko talo pa yung ilong ni pinocchio na ultimate sa kasinungalingan sa sobrang haba. habang waiting for tonight ang beauty ko sa tapat ng isang susyalin at pangmaharlikang boutique biglang may aparisyon ng isang patpatin, moreno at may katangkaran ng kaunti na lalaki. cute siya, for me. dahil singular ako that time, inatake agad ng kalandian ang pagkababae ko at super titig agad ako ng bonggang bonggang bonggambilya sa lalaki. napansin niya at gumanti siya ng makahulagang titig na may panakanakang pag-iwas ng tingin. kinilig ako. patuloy ang aming titigan habang nakatayo ako at siya nama'y naglalakad hanggang  sa makalayo na siya at hindi ko na matanaw. "sayang!" naisip ko. maya maya lamang ay I shall return ang eksena ng lalaki at hindi ko na pinalagpas ang chance of a cloudy meatballs at di ko naisip na baka straight pala siya at baka ma-boogie wonderland niya ako kapag nilapitan ko siya. sinenyasan ko siya na lumapit. lumapit naman siya.

lalaki: bakit?
ako: wala.
lalaki: may hinihintay ka?
ako: meron.
lalaki: sino?
ako: ikaw!
lalaki: hahahaha.. ang kulit mo. sino nga?
ako: asawa ko.
lalaki. ah. so may asawa ka na.
ako: oo. ikaw. kaya nga kita hinihintay eh.

at natawa na lang siya sa sobrang kalandian ko. hindi ko alam na may kasama pala siya na super waiting in vain sa gilid, anak ng pinsan niya na super cute at ang yaya ng bagets. pinaupo niya muna ang dalawa sa hagdanan habang hinihintay nila ang pinsan niya at para ituloy ang simula ng aming lab istori. hihihi (landi!)

lalaki: bukas paalis na ako papuntang brunei, gabi ang flight ko. kasama ko lola ko saka tito ko. bakasyon lang sana. pero kung makahanap ng trabaho (siya nga pala, registered nurse siya), dun muna ako kahit 1 year lang.
ako: kakakilala pa lang naten, iiwan mo na agad ako? (landi talaga! hihihi)
lalaki: gusto mo kita tayo bukas, lunch time. gabi pa naman alis ko eh.
ako: sige tingnan ko kung pwede ako.

kinabukasan. hindi pumunta ako ulit ng mall. hindi siya sumipot. nagdamdam ako. minura ko siya through text. nag-sorry siya. i asked him to delete my no. (oh di ba? napa-english ang bakla) at umuwi akong luhaan.

ngunit!!!!!! eto na yun! few months after, isang mensahe ang aking natanggap mula sa lalaking hindi sumipot sa aming usapan. kakabalik niya lang daw from brunei. niyayaya niya ako makipagkita sa parehong lugar.  hindi ako masyadong interesado. sinaktan na niya minsan ang pihikan at sensitibo kong heartlilet. pero dahil nga singular ako at may taglay na kalandian, go for the gold pa rin akez! nagkita kaming muli.

bumongga siya. nagkalaman siya. doon ko lang rin napansin na mas matangkad pala siya sa'ken ng konti dahil lumaki ang braso at dibdib niya. parang mas cute siya this time. nahumaling ako sa kanya. matapos ang unang date namen, umamin agad ako na gusto ko siya. nag-date kaming muli nung sumunod na araw. 3 araw na sunud sunod. after a week simula nung unang date, official na! in a relationship na ang bakla! kinikilig ang kipaylalu ko!

ito pa lamang ang simula ng aming mala-fairytale na love story. sana nga siya na talaga ang prinsipe na humalik sa akin mula sa mahabang pagkakahimbing ko. ang prinsipe na humalik sa'ken at gumising mula sa pagkakahimlay ko dahil sa mansanas na pinalamon sa'ken ng tiyahin kong mangkukulam. ang prinsipe na umakyat sa tore upang makapiling ako gamit ang long, shiny at super strong braided hair ko. ang prinsipe na matagal akong hinanap upang isukat lamang ang kapares na crystal shoe na aking naiwan sa isang piging kung saan kame unang nagsayaw. ang pangarap kong prinsipe.

Monday, May 9, 2011

ako at ang aratilis

sa di malamang kadahilanan ay biglang dinala ako ng aking mga paa papuntang sementeryo at doo'y muling bumalik ang mga masasayang alaala ng nakaraan...

Malapit lamang sa aming baler ang cemetery (inglatera!). La Loma Cemetery to be exact (aba! inglatera talaga!)

Nasa elemnterya pa lamang ako eh shombay everlu na ako jan. join akez with may majijirap na friends sa mga adventures at ka-cheap-an dati. bet na bet namin gumawa ng "tree house" kuno sa mga puno ng aratilis. minsan, tig-iisa kame ng puno bawat bat pero pag bet namen magkakasama, sa isang malaking puno lang kame pero wag kayong aarte dahil may kani-kaniyang kuwarto kame! bonggang bonggang bogambilya di ba? kaya lang, eksena ang mga guardenia sa sementeryo, private kasi kaya kemedu ang security dun. ronda patrol palagi ang ang ermenGUARD kaya medyo no. 3 ang alert level namen. takbuhan ever kasi ang magaganap kapag nakita nila kame, habulang bugbugan ang tema. at kapag na-sight nila ang mumunting baler namen sa trees, ide-demolish nila yun ng todo hanggang sa luhaan na kame na parang wala na kameng matutuluyan sa next visit namen sa sementeryo. pero siyempre ang mga bulilit, sipag at tiyaga ang motto kaya, kada balik namen, super gawa kame ng baler. mapagod man kami sa kakagawa, mas mapapagod sila sa kakasira ang isa pa nameng motto.

"P*=@!!! anjan na si balutan! Takbo!!!" run devil run ang eksena nyan kapag narinig na namin ang panagaln ni Balutan. Siya raw kasi yung nangunguha ng bata, ilalagay niya sa sako tapos ibebenta. Nung tumanda na ako, ng onti, nalaman kong isa palang napakalaking ECHOS lang yun! imbento lang si balutan. panakot lang pala yun sa mga bata. kame naman paniwalang paniwala, takot na takot.

Kahit tanghaling tapat, gow gow gow lang kame sa sementeryo. madalas kame manguha ng aratilis. super baon pa kame ng plastic. paramihan kame ng makukuha. syempre mas marami, mas bongga, mas magaling, mas shala at sa'yo ipuputong ang korona. choz! kahit naman dugyot na kame after manguha ng peyborit nameng fruit na aratilis, linis linisan naman ang arte namen after. super wash namen yun sa running water para fresh na fresh pa siya kapag nilantakan namen.

"Aray!" biglang may tumama na shuttlecock sa ulo ko. tinamaan ako ng mga batang naglalaro ng badminton sa sementeryo kaya nabitin tuloy ang pag-reminisce ko sa aking childhood. patuloy na lamang akong nag-walkathon hanggang may nadaanan akong puno ng aratilis. namitas ako ng marami at ibinalot ko sa aking panyo. at habang ako'y walkalator, super lamon akez ng aratilis habang nakangiti at ini-imagine na ang mga sandaling 'yun ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

Sunday, February 6, 2011

star struck


prince stefan,

na-star struck ako sa'yo! ang cute mo, pati 'yung pag takbo mo. onting kembot na lang baka mag-transfer ka na from cosmopolitan model to FHM covergirl. pramis!

inggit lang sa fez and katawan ni prince,
akez

Thursday, February 3, 2011

Heaven, Earthness Impernes!


kanta tayo! peyborit ko 'to laruin nung bata ako. sana alam ko na na diwata ako that time para ganito ko siya kakantahin para makapili kung sino ang matataya...

Heaven, earthness impernes
Im, im impernes
Saksak heartness, tulo ang dugetch
Dead, alive, umalis ka na jan sa place mo!

* Kapag naturo ka at natapos ang kanta, get get out ka na tapos sing galore ulit hanggang sa isa na lang ang matira at siya ang taya
* Kaya ang teknik, ako lagi ang sing galore dapat nung panahon na yun para kapag natapos ang song at hindi saken nakaturo, dudugtungan ko yung kanta katulad nito..
 
 ...U-ma-lis ka na jan sa place mo. ta-la-ga! (kapag hindi pa rin saken natapat) dugtungan pa ng, ta-la-gang ta-la-ga?

* Kaw na bahala mag adlib basta dapat kaw ang maturo pag end ng song. bata pa lang magulang na!


walang ma-i-post kaya eme eme na lang,
akez

Wednesday, February 2, 2011

hindi ako masungit!


fine, fresh, fierce! california gurl lang ang eksena ko 'pag labas ko ng baler. freshness pa talaga akez. bukod sa natural na maganda (at ambisyosa) eh may kahabaan ng kaunti ang tulog ko kaya mejo maganda ang pakiramdam ko.

syetness! parang aagawan ako ng eksena ni sunshine dizon, wala akong choice kundi gumamit ng umbrella, ella, ella, eh, eh, eh kaysa naman masayang 'yung paggamit gamit ko ng silka papaya sa skin kong pinipilit pumusyaw. pawisin pa naman ang bakla. pero sabi ko sa sarili (talagang kinausap ko ang sarili ko), "walang makakapigil sa kagandahan ko" (truly ambitious lang!).

walkathon akez from apartment hanggang mrt station sa guadalahara, mexico (charot! guadalupe lang pala). pagdating sa mrt isteysyen, may kahabaan ang pila sa bilihan ng tiket. walang pangamba ang bakla dahil may stored value akez kaya ang eksena ay dapat tumabi ang lahat ng mahihirap na walang pambili ng stored value tikcket (matapobre?) at ako'y mauuna na mag-enter the dragon.

after thirty minutes (kasama na d'un 'yung waiting in vain ko sa pagdating ng tren ng mrt at lrt 1), walkathon ulet ang eksena ko papunta ng robinson's place sa malate. si bakla, frehness pa rin! walang aarte!

pagdating sa mall super pila para i-check ang bagelya kung may bomba bang laman. si guardenia super strict (keri lang naman kasi para sa safety ng mga utaw). subalit pag bukas niya ng bagelya ko biglang....

ako: syet! kaya nga sweet lang pagkaka-bukas ng bag ko may problema 'yung zipper eh!

guardenia: eh kelangan lang po kasi i-check saka trabaho lang po 'to!

ako: ay, ganun?! so kasama sa trabaho mo na sirain ang bag ko? pag hindi ko to naayos, mapapalitan mo ba 'to?

guardenia: wag kayong magalit. trabaho nga lang to!

ako: nyeta ka! imbierna mo ko! tabi nga jan!

sa sobrang galaiti ni bakla, na-stress ako bigla. pinagpawisan ng bongga. nawala sa posisyon yung bangs ko na mortal sin kapag na-distort ang form.

pagdating sa coffee shop.. andun na ang friendship ko na ishogo naten sa namesung na grandiosa. waiting for tonight si bakla habang enjoy na enjoy sa wifi gamit ang kanyang brand new laptop. shala!

grandiosa: hi, friend! tagal mo ha!

ako: shugality mag-check yung guardenia ng bagels, sinira pa 'yung zipper. imbey! sobra!

grandiosa: friend, bawas bawasan mo kasungitan mo. yan ka na naman. parang monster ka na naman, baka mamaya lahat ng tao dito awayin mo na naman dahil na-bad trip ka.

ako: hindi ako masungit! hindi ako war freak! eh kainis eh. o sige, magre-relax ako. inhale. exhale. inhale. exhale.... haaaayyy.. grrrrr... imbey pa rin ako! asan na ba si everly (friendship namen na gurlilet). huling text nya punta daw sila ng boylilet nya aroung 6 pm. halleeeeerrrr.. 4 pm pa lang.

grandiosa: kaw lang naman kasi may gusto ng mas maaga kahit sinabi na nilang maya pa sila pwede. tapos aarte ka. gulo ha!

ako: keber!

after 50 golden years....

grandiosa: friend, lakad na sila paunta dito.

ako: re-touch muna akez teh. baka sabihin naman ng boylilet niya may friend kayong hampaslupa.

sa loob ng c.r., powder galore ng fez si bakla. syempre dahil maarte ako at pinawisan na ang damit ko, super palit ako ng damit (ready ako lagi para sa mga ganyang eksena). habang nagpapalit ng damit..

from outside, tok, tok, tok! (sweet na katok pa lang)

ako: may tao po. saglit lang po. (pa sweet pa ang effect). kaya nga may lock kasi may tao (pabulong ito)

tok, tok, tok (mejo may nginig factor na)

ako: saglit lang po. matatapos na po. (nataranta lalo)

tok, tok, tok (parang buong pwersa na ang ginamit sa pagkatok. kumbaga si gokou lang siya nung unang katok, yung point na 'to eh super saiyan na siya)

ako: punyeta naman! may tao nga! may tao! may tao! naka-lock nga di ba?! may tao!

pagbukas ko ng pinto... (bulaga!) isang majonda pala ang next in line. around 70 plus na yata si mother. nahiya ako bigla sa inasal ko at humingi ako ng paumanhin. dinedma niya ko. naintindihan ko siya kasi majonda na siya. usually may incontinence na yung mga ganyang edad at talagang hirap na magpigil. kasunod ni mother ay isang bilat na super chaka at mega hagikgik at talagang obvious na hagikgik siya dahil napahiya ako sa pagtataray ko sa isang matanda.

nagmukha tuloy akong baklang contesera na nadapa sa stage habang rumarampa ng makita ko ang hagikgik ni ateng chopsuey. at talagang super tingin pa siya sa'ken para ipamukha na napahiya ako.

ako: hoy! anung tinatawa mo jan? wag mo akong arte artehan ng ganyan dahil walang nakakatawa dahil yung mukha mo ang nakakatawa. imbiernang 'to! hindi ka maganda kaya wag mo kong aartehan! pakyu!

grandiosa: tumigil ka na, hugs!

everly : (dumating na pala sila kasama si boylilet na mukhang na-shock sa eksena ko) hugs, tama na!

ako: eh gagang yan eh! kung makatawa akala mo n aman kagandahan! malay ko bang matanda yung kumakatok at pakialam niya ba. impaktang yan!

maya maya... si ateng chopsuey, pumunta sa friendship niya after mag-rest room. sabay turo sa'ken.

ako: hoy! may turo turo ka pa jan ha! pakyu! nyetang 'to! siya pa nagsumbong eh siya nga 'tong maldita.

grandiosa: hugs, tama na yan! so hindi ka talaga masungit nyan? hindi ka war freak? so ang lahat eh kasalanan nila kaya ka ganyan. friend, ngayon ko lang 'to sasabihin ha. kame kasi, kaya ka namen intindihin. eh paanu yung ibang mga hindi ka kilala? alam ba nila na ganyan ka lang talaga? masasakyan ka ba nila?

bigla tuloy ako natahimik. hindi ko alam kung nahiya ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko o nahimasmasan ako ng makita kong parang natakot din sa'ken bigla yung boylilet ni everly sa nasaksihan niya.

ako: boylilet ni everly, natakot ka ba sa'ken? masungit ba talaga ako?

boylilet: (silent lang)

grandiosa and everly: (duet ito!) aaaayyy!!!! hindi! sobrang hindi!