Tuesday, December 20, 2011

mini stop's ultimate chicken

sa mini stop (uunahan ko na, totoo itong naganap kanina lamang. akala kasi ng iba, puro imbents lang yung mga eksena ko. hahahahah.. hirap magimbento no!)
ako: 1 pc chicken with drinks
ate: c2 po? ok.
after 10 min, mali mali pa rin ang pinagpipindot ni ateng kahera
ako: ate, utang na loob, pakibilis pa, ubos na break time ko(kakabit ang matamis na ngiti)
... ate: ay! sorry 'sir (at lumaban siya ng mas matamis na ngiti)
nakuha ko rin sa wakas ang meal after 50 golden years at umakyat muli sa 27th floor. pagbukas ko ng kahon. syet! WALANG MANOK. rice lang. bumaba akong muli at lumabas ng rcbc bldg papuntang mini stop.
ako: ate, baka gusto mong lagyan ng manok 'to? wala kasi eh.
ate: oh???
ako: wow! so niloloko kita?
ate: hindi nga 'sir???
ako: gutom na ako. lalagyan mo po ba ng manok 'to or gusto mong magbayad pa ako ulit para malagyan lang 'to ng manok dahil kasalana ko at nakatakas ang manok ng hindi ko alam?
ate: 'sir heto na po. (nilagay ang pinakamaliit na part sa kahon)
puno yata ng pag-iimbot si ate. i love mini stop. i love fried chicken. I LOVE YOU, ATE! PAKYU! Mwah!

Tuesday, June 28, 2011

the momi

plunge na plunge sa banga ang mga terms of endearment kapag may jowabels ka. siyempre hindi kame magpapahuli ni joypren jan. kaya lang naloka ako sa gusto niyang itawag saken. genito yan... (text message ang mga itez ha)

joypren: vin, tuloy ba tayo bukas sa mega mall?
ako: oo. basta napag-usapan na sure na yun! unless magtext ako na hindi pwede, ite-text ko naman agad.
joypren: ah ok. i miss u, MOMI ko! yun na lang ang itatawag ko sa'yo ha. i love u, mi!
(tumambling muna ako ng bente times bago naka-recover at nakapagreply)
ako: ok lang naman. hehe.. sure ka na ba na 'yan ang gusto mo itawag sa'ken?
joypren: oo mi. ayaw mo ba? :( sige isip na lang ako ng iba.
ako: hindi. ok lang naman. sige yun na ang tawag mo sa'ken. so dadi ang tawag ko sa'yo.
joypren: opo mi. love u mi!
ako: love din kita di! mwah!

kahit may babaitang nakakulong sa pagkato ko, medyo hindi ko bet ang "momi" kasi parang ang laswa kung tawagan niya akong momi sa gitna ng maraming pipol kung sakaling nasa mall man kame or any public place. pero dahil hindi ko mahindian si joypren, go for the gold pa rin ako sa "momi". parang nagustuhan ko naman din nung tumagal tagal kapag tinatawag niya "momi" or "mi". pero mas madalas yung shortcut lang ang giinagamit niya kapag tinatawag niya ako or kinakausap. kinkilig ang pechay ko everytime maririnig ko yun.

hindi talaga sweet sa totoong buhay si joypren. saksakan ng sungit yun! super moody. mataray. imbudo lagi sa paligid at sa sanlibutan. pero kaya ko namang i-handle. kumbaga, alam ko na ang timpla niya. ganun na siya nung nakilala ko kaya iniitindi ko na lang kapag sinusumpong ng kasungitan at kamalditahan yun. kasi kung aartehan ko rin siya at tatapatan ko ang kanyang kasungitan, showdown na ang eksena namen. warlalu. ligwak na naman. 

kaya nga kahit momi, amelia, chenelyn, victoria, sugar, cheesekeyk, hamgerger, sundae or kahit aniz pa ang bet niyang itawag sa'ken, keribambam lang. para sa'ken, sapat na yun at napaka-sweet para maglaan ng onting sandali para isipin niya yun at marinig mula sa kanya ang salitang yun na mula sa puso. (parang kame lang si via at gabriel. syetness!)

Saturday, June 25, 2011

prince charming

hindi ko alam kung paano ko uumpisihan i-share ang lab istori namen ni joypren. pero dahil nga ang sabi ay "uumpisahan" so kwento ko kung paano kami nagkakilala.

nagsimula ang lahat sa isang makasaysayang mall sa maynila, ang robinson's place malate. may hinihintay akong friend nung time na yun pero wit ko knowsline kung trulili bang may hinihintay ako or nagpapanggap lang akong naghihintay dahil agenda ko talagang lumandi. chariz! may hinihintay talaga ako, hindi nga lang talaga dumating kaya imbudung imbudo talaga ako nung mga oras na yun. super salubong na ang mga kalat kong kilay at yung nguso ko talo pa yung ilong ni pinocchio na ultimate sa kasinungalingan sa sobrang haba. habang waiting for tonight ang beauty ko sa tapat ng isang susyalin at pangmaharlikang boutique biglang may aparisyon ng isang patpatin, moreno at may katangkaran ng kaunti na lalaki. cute siya, for me. dahil singular ako that time, inatake agad ng kalandian ang pagkababae ko at super titig agad ako ng bonggang bonggang bonggambilya sa lalaki. napansin niya at gumanti siya ng makahulagang titig na may panakanakang pag-iwas ng tingin. kinilig ako. patuloy ang aming titigan habang nakatayo ako at siya nama'y naglalakad hanggang  sa makalayo na siya at hindi ko na matanaw. "sayang!" naisip ko. maya maya lamang ay I shall return ang eksena ng lalaki at hindi ko na pinalagpas ang chance of a cloudy meatballs at di ko naisip na baka straight pala siya at baka ma-boogie wonderland niya ako kapag nilapitan ko siya. sinenyasan ko siya na lumapit. lumapit naman siya.

lalaki: bakit?
ako: wala.
lalaki: may hinihintay ka?
ako: meron.
lalaki: sino?
ako: ikaw!
lalaki: hahahaha.. ang kulit mo. sino nga?
ako: asawa ko.
lalaki. ah. so may asawa ka na.
ako: oo. ikaw. kaya nga kita hinihintay eh.

at natawa na lang siya sa sobrang kalandian ko. hindi ko alam na may kasama pala siya na super waiting in vain sa gilid, anak ng pinsan niya na super cute at ang yaya ng bagets. pinaupo niya muna ang dalawa sa hagdanan habang hinihintay nila ang pinsan niya at para ituloy ang simula ng aming lab istori. hihihi (landi!)

lalaki: bukas paalis na ako papuntang brunei, gabi ang flight ko. kasama ko lola ko saka tito ko. bakasyon lang sana. pero kung makahanap ng trabaho (siya nga pala, registered nurse siya), dun muna ako kahit 1 year lang.
ako: kakakilala pa lang naten, iiwan mo na agad ako? (landi talaga! hihihi)
lalaki: gusto mo kita tayo bukas, lunch time. gabi pa naman alis ko eh.
ako: sige tingnan ko kung pwede ako.

kinabukasan. hindi pumunta ako ulit ng mall. hindi siya sumipot. nagdamdam ako. minura ko siya through text. nag-sorry siya. i asked him to delete my no. (oh di ba? napa-english ang bakla) at umuwi akong luhaan.

ngunit!!!!!! eto na yun! few months after, isang mensahe ang aking natanggap mula sa lalaking hindi sumipot sa aming usapan. kakabalik niya lang daw from brunei. niyayaya niya ako makipagkita sa parehong lugar.  hindi ako masyadong interesado. sinaktan na niya minsan ang pihikan at sensitibo kong heartlilet. pero dahil nga singular ako at may taglay na kalandian, go for the gold pa rin akez! nagkita kaming muli.

bumongga siya. nagkalaman siya. doon ko lang rin napansin na mas matangkad pala siya sa'ken ng konti dahil lumaki ang braso at dibdib niya. parang mas cute siya this time. nahumaling ako sa kanya. matapos ang unang date namen, umamin agad ako na gusto ko siya. nag-date kaming muli nung sumunod na araw. 3 araw na sunud sunod. after a week simula nung unang date, official na! in a relationship na ang bakla! kinikilig ang kipaylalu ko!

ito pa lamang ang simula ng aming mala-fairytale na love story. sana nga siya na talaga ang prinsipe na humalik sa akin mula sa mahabang pagkakahimbing ko. ang prinsipe na humalik sa'ken at gumising mula sa pagkakahimlay ko dahil sa mansanas na pinalamon sa'ken ng tiyahin kong mangkukulam. ang prinsipe na umakyat sa tore upang makapiling ako gamit ang long, shiny at super strong braided hair ko. ang prinsipe na matagal akong hinanap upang isukat lamang ang kapares na crystal shoe na aking naiwan sa isang piging kung saan kame unang nagsayaw. ang pangarap kong prinsipe.

Monday, May 9, 2011

ako at ang aratilis

sa di malamang kadahilanan ay biglang dinala ako ng aking mga paa papuntang sementeryo at doo'y muling bumalik ang mga masasayang alaala ng nakaraan...

Malapit lamang sa aming baler ang cemetery (inglatera!). La Loma Cemetery to be exact (aba! inglatera talaga!)

Nasa elemnterya pa lamang ako eh shombay everlu na ako jan. join akez with may majijirap na friends sa mga adventures at ka-cheap-an dati. bet na bet namin gumawa ng "tree house" kuno sa mga puno ng aratilis. minsan, tig-iisa kame ng puno bawat bat pero pag bet namen magkakasama, sa isang malaking puno lang kame pero wag kayong aarte dahil may kani-kaniyang kuwarto kame! bonggang bonggang bogambilya di ba? kaya lang, eksena ang mga guardenia sa sementeryo, private kasi kaya kemedu ang security dun. ronda patrol palagi ang ang ermenGUARD kaya medyo no. 3 ang alert level namen. takbuhan ever kasi ang magaganap kapag nakita nila kame, habulang bugbugan ang tema. at kapag na-sight nila ang mumunting baler namen sa trees, ide-demolish nila yun ng todo hanggang sa luhaan na kame na parang wala na kameng matutuluyan sa next visit namen sa sementeryo. pero siyempre ang mga bulilit, sipag at tiyaga ang motto kaya, kada balik namen, super gawa kame ng baler. mapagod man kami sa kakagawa, mas mapapagod sila sa kakasira ang isa pa nameng motto.

"P*=@!!! anjan na si balutan! Takbo!!!" run devil run ang eksena nyan kapag narinig na namin ang panagaln ni Balutan. Siya raw kasi yung nangunguha ng bata, ilalagay niya sa sako tapos ibebenta. Nung tumanda na ako, ng onti, nalaman kong isa palang napakalaking ECHOS lang yun! imbento lang si balutan. panakot lang pala yun sa mga bata. kame naman paniwalang paniwala, takot na takot.

Kahit tanghaling tapat, gow gow gow lang kame sa sementeryo. madalas kame manguha ng aratilis. super baon pa kame ng plastic. paramihan kame ng makukuha. syempre mas marami, mas bongga, mas magaling, mas shala at sa'yo ipuputong ang korona. choz! kahit naman dugyot na kame after manguha ng peyborit nameng fruit na aratilis, linis linisan naman ang arte namen after. super wash namen yun sa running water para fresh na fresh pa siya kapag nilantakan namen.

"Aray!" biglang may tumama na shuttlecock sa ulo ko. tinamaan ako ng mga batang naglalaro ng badminton sa sementeryo kaya nabitin tuloy ang pag-reminisce ko sa aking childhood. patuloy na lamang akong nag-walkathon hanggang may nadaanan akong puno ng aratilis. namitas ako ng marami at ibinalot ko sa aking panyo. at habang ako'y walkalator, super lamon akez ng aratilis habang nakangiti at ini-imagine na ang mga sandaling 'yun ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

Sunday, February 6, 2011

star struck


prince stefan,

na-star struck ako sa'yo! ang cute mo, pati 'yung pag takbo mo. onting kembot na lang baka mag-transfer ka na from cosmopolitan model to FHM covergirl. pramis!

inggit lang sa fez and katawan ni prince,
akez

Thursday, February 3, 2011

Heaven, Earthness Impernes!


kanta tayo! peyborit ko 'to laruin nung bata ako. sana alam ko na na diwata ako that time para ganito ko siya kakantahin para makapili kung sino ang matataya...

Heaven, earthness impernes
Im, im impernes
Saksak heartness, tulo ang dugetch
Dead, alive, umalis ka na jan sa place mo!

* Kapag naturo ka at natapos ang kanta, get get out ka na tapos sing galore ulit hanggang sa isa na lang ang matira at siya ang taya
* Kaya ang teknik, ako lagi ang sing galore dapat nung panahon na yun para kapag natapos ang song at hindi saken nakaturo, dudugtungan ko yung kanta katulad nito..
 
 ...U-ma-lis ka na jan sa place mo. ta-la-ga! (kapag hindi pa rin saken natapat) dugtungan pa ng, ta-la-gang ta-la-ga?

* Kaw na bahala mag adlib basta dapat kaw ang maturo pag end ng song. bata pa lang magulang na!


walang ma-i-post kaya eme eme na lang,
akez

Wednesday, February 2, 2011

hindi ako masungit!


fine, fresh, fierce! california gurl lang ang eksena ko 'pag labas ko ng baler. freshness pa talaga akez. bukod sa natural na maganda (at ambisyosa) eh may kahabaan ng kaunti ang tulog ko kaya mejo maganda ang pakiramdam ko.

syetness! parang aagawan ako ng eksena ni sunshine dizon, wala akong choice kundi gumamit ng umbrella, ella, ella, eh, eh, eh kaysa naman masayang 'yung paggamit gamit ko ng silka papaya sa skin kong pinipilit pumusyaw. pawisin pa naman ang bakla. pero sabi ko sa sarili (talagang kinausap ko ang sarili ko), "walang makakapigil sa kagandahan ko" (truly ambitious lang!).

walkathon akez from apartment hanggang mrt station sa guadalahara, mexico (charot! guadalupe lang pala). pagdating sa mrt isteysyen, may kahabaan ang pila sa bilihan ng tiket. walang pangamba ang bakla dahil may stored value akez kaya ang eksena ay dapat tumabi ang lahat ng mahihirap na walang pambili ng stored value tikcket (matapobre?) at ako'y mauuna na mag-enter the dragon.

after thirty minutes (kasama na d'un 'yung waiting in vain ko sa pagdating ng tren ng mrt at lrt 1), walkathon ulet ang eksena ko papunta ng robinson's place sa malate. si bakla, frehness pa rin! walang aarte!

pagdating sa mall super pila para i-check ang bagelya kung may bomba bang laman. si guardenia super strict (keri lang naman kasi para sa safety ng mga utaw). subalit pag bukas niya ng bagelya ko biglang....

ako: syet! kaya nga sweet lang pagkaka-bukas ng bag ko may problema 'yung zipper eh!

guardenia: eh kelangan lang po kasi i-check saka trabaho lang po 'to!

ako: ay, ganun?! so kasama sa trabaho mo na sirain ang bag ko? pag hindi ko to naayos, mapapalitan mo ba 'to?

guardenia: wag kayong magalit. trabaho nga lang to!

ako: nyeta ka! imbierna mo ko! tabi nga jan!

sa sobrang galaiti ni bakla, na-stress ako bigla. pinagpawisan ng bongga. nawala sa posisyon yung bangs ko na mortal sin kapag na-distort ang form.

pagdating sa coffee shop.. andun na ang friendship ko na ishogo naten sa namesung na grandiosa. waiting for tonight si bakla habang enjoy na enjoy sa wifi gamit ang kanyang brand new laptop. shala!

grandiosa: hi, friend! tagal mo ha!

ako: shugality mag-check yung guardenia ng bagels, sinira pa 'yung zipper. imbey! sobra!

grandiosa: friend, bawas bawasan mo kasungitan mo. yan ka na naman. parang monster ka na naman, baka mamaya lahat ng tao dito awayin mo na naman dahil na-bad trip ka.

ako: hindi ako masungit! hindi ako war freak! eh kainis eh. o sige, magre-relax ako. inhale. exhale. inhale. exhale.... haaaayyy.. grrrrr... imbey pa rin ako! asan na ba si everly (friendship namen na gurlilet). huling text nya punta daw sila ng boylilet nya aroung 6 pm. halleeeeerrrr.. 4 pm pa lang.

grandiosa: kaw lang naman kasi may gusto ng mas maaga kahit sinabi na nilang maya pa sila pwede. tapos aarte ka. gulo ha!

ako: keber!

after 50 golden years....

grandiosa: friend, lakad na sila paunta dito.

ako: re-touch muna akez teh. baka sabihin naman ng boylilet niya may friend kayong hampaslupa.

sa loob ng c.r., powder galore ng fez si bakla. syempre dahil maarte ako at pinawisan na ang damit ko, super palit ako ng damit (ready ako lagi para sa mga ganyang eksena). habang nagpapalit ng damit..

from outside, tok, tok, tok! (sweet na katok pa lang)

ako: may tao po. saglit lang po. (pa sweet pa ang effect). kaya nga may lock kasi may tao (pabulong ito)

tok, tok, tok (mejo may nginig factor na)

ako: saglit lang po. matatapos na po. (nataranta lalo)

tok, tok, tok (parang buong pwersa na ang ginamit sa pagkatok. kumbaga si gokou lang siya nung unang katok, yung point na 'to eh super saiyan na siya)

ako: punyeta naman! may tao nga! may tao! may tao! naka-lock nga di ba?! may tao!

pagbukas ko ng pinto... (bulaga!) isang majonda pala ang next in line. around 70 plus na yata si mother. nahiya ako bigla sa inasal ko at humingi ako ng paumanhin. dinedma niya ko. naintindihan ko siya kasi majonda na siya. usually may incontinence na yung mga ganyang edad at talagang hirap na magpigil. kasunod ni mother ay isang bilat na super chaka at mega hagikgik at talagang obvious na hagikgik siya dahil napahiya ako sa pagtataray ko sa isang matanda.

nagmukha tuloy akong baklang contesera na nadapa sa stage habang rumarampa ng makita ko ang hagikgik ni ateng chopsuey. at talagang super tingin pa siya sa'ken para ipamukha na napahiya ako.

ako: hoy! anung tinatawa mo jan? wag mo akong arte artehan ng ganyan dahil walang nakakatawa dahil yung mukha mo ang nakakatawa. imbiernang 'to! hindi ka maganda kaya wag mo kong aartehan! pakyu!

grandiosa: tumigil ka na, hugs!

everly : (dumating na pala sila kasama si boylilet na mukhang na-shock sa eksena ko) hugs, tama na!

ako: eh gagang yan eh! kung makatawa akala mo n aman kagandahan! malay ko bang matanda yung kumakatok at pakialam niya ba. impaktang yan!

maya maya... si ateng chopsuey, pumunta sa friendship niya after mag-rest room. sabay turo sa'ken.

ako: hoy! may turo turo ka pa jan ha! pakyu! nyetang 'to! siya pa nagsumbong eh siya nga 'tong maldita.

grandiosa: hugs, tama na yan! so hindi ka talaga masungit nyan? hindi ka war freak? so ang lahat eh kasalanan nila kaya ka ganyan. friend, ngayon ko lang 'to sasabihin ha. kame kasi, kaya ka namen intindihin. eh paanu yung ibang mga hindi ka kilala? alam ba nila na ganyan ka lang talaga? masasakyan ka ba nila?

bigla tuloy ako natahimik. hindi ko alam kung nahiya ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko o nahimasmasan ako ng makita kong parang natakot din sa'ken bigla yung boylilet ni everly sa nasaksihan niya.

ako: boylilet ni everly, natakot ka ba sa'ken? masungit ba talaga ako?

boylilet: (silent lang)

grandiosa and everly: (duet ito!) aaaayyy!!!! hindi! sobrang hindi!

Wednesday, January 26, 2011

BITTERNESS is supposed to be a TASTE...
not a FEELING.

emoterang miyerkules ang sumalubong sa'ken at sinundan ng bitchesang huwebes. haaayyy.. sarap mabuhay!

Thursday, January 20, 2011

ang bagong formula

may bago akong natuklasan...

chakaness is directly proportional to articles. thanks, ateng chapter for letting me know. kung makaarte ka talo mo pa si la greta. paano pa kaya kung gumanda ka? nakakatakot.

nakikialam,
...ako
 ---> hindi ako makikiusap sa inyo sa inyo pero utang na loob!!!!! basahin 'nyo 'to! please.. please.. please.. ayako na makiusap. syet lang. mwah!
 

juicy!

isasantabi ko muna ang panaghoy (tama ba?) o ang nagsusumigaw na kahilingan ng erna ko na lumabas na sa lungga sa mga oras na ito. kumbaga sa nagdadalangtae, anytime pwede ako makunan, kailangan ko tumakbo patungong ER. pero hindi pa panahon! gusto ko ang normal delivary at gusto kong manganak ng matiwasay, hindi stressful, walang sign ni hagardo versoza, yung tipong papasok ako sa cubicle na may dinadalang poot at lalabas ng payapa at malayang malaya ang pakiramdam sabay sigaw ng "SUCCESS!" tapos pagtitinginan nila ako at iirapan sabay bulong ng, "muntanga lang." keber!

walang kinalaman ang erna sa chika kong ito. bigla ko lang naisip na kumembular ng blogelya at gumawa ng tsismis. oo, tsismis! hindi totoo, gawa gawa, imbento. charot! marami nito sa baranggay namen sa calocohan city. pero witchikels ko type ang mga chismax dun kasi wit ko naman knowsline masyado 'yung mga tao dun. andami ko ngang nakikitang mga bagong fez dun na parang mga damong ligaw na lang na nagsusulputan at patuloy pa silang dumarami kasi 'yung mga kabataan dun bongga kung magkaanak. parang mga kalahok sila sa isang tournament, pabilisan magka-anak at paramihan ang eksena. nakakaloka!(wala daw alam na tsismis dun? hahaha. charotera!)

kahit saan ka naman siguro mapadpad, hindi mawawala ang tsismis. sa skulilet, sa jopisina, sa eskinita, sa highway (highway? bakit, chika galore ang mga constru noh!) at kung saan saan pang sulok yan. mawawalan ka ng wallet sa kalsada, ng bripany murphy sa baler (baka na-sight ni soltero at nilanghap ang aroma, charlotte! patawad.), ng id sa skulilet ngunit ang tsismis ay hindi mawawala. pakalat kalat ito, talo pa ang tae(related pala talaga). hahahaha...

sa jopisina, may tinatawag na juicy sunday noon (minsan saburdey. pero of course sa mga winner kumebot ng chismax, everyday is juicy day). halimbawa na lamang ng isang chismax ay tungkol sa isang gurlilet na officemate namen. i-shogo naten siya sa namesung na Lukresia. From the name itself, may idea na kayo siguro sa personality ni gurlilet. Derived from the word, lukaret, luka luka, loka. maloloka kayo kay lukresia pag na-experience ninyo siya. pramis!

isang beses ko lang naman naka-chikahan yang moret na yan. charlotte! wala naman sa hitsura niya na gaga siya. aura pa nga yan si bakla. outfitera. isang beses nga raw (chika lang nila) pumasok na lang si lukresia na dilaw ang hereret. eksena lang. trip niya lang. may isang beses naman naabutan ko siya sa jopisina na palung palo ang reglatic red lipstick ni bakla. parang pinasabog ni ruby (ang bidang kontra bida) yuing nguso niya sa tindi ng pula na yun. with bangs pa ang effect na yun. feeling ko lahat ng mga eksena niyang yan ay normal lang naman. ang personality niya ang nakakaalarma.

nakatabi ko siya minsan. hindi ko pa alam namesung ni lukresia dati at never ko naman din inasam malaman. wit kame close nun pero chika galore ang bakla. kwento galore siya ng kung anik anik. mga topic na bigla niya lang naisip,  mga bagay na napansin niya lang sa paligid at kuwento siya ng slight about her life (sweet lang). feeling close lang si bakla.

everytime makakasalubong ko siya, super "hi!" naman ang lola mo pero may mga oras na deadmatology lang ang loka. ako naman, hoookeeeeyyy.. wala naman sa'ken yun. baka may amnesia lang si bakla at hindi na ako matandaan bigla or malabo ang paningin (isa sa mga senyales ng aging).

napag-alaman ko sa isang reliable source na ganun nga raw ang eksena ni gurl. close kayo pag feel niya, pag wit niya bet eh estreyndyer ka sa kanya. ako naman, ahhh hoookeeeeyy.. pero ang ikinaloka ko ng mas pinabongga at mas pinashala ay sweet pa lang pala ang ganung eksena ni gurl. marami pa raw palang chismax tungkol sa kanya. at marami pala ang natataranta kapag nasa paligid si gurlilet dahil nga lukring ito.

may eksena raw kasi na biglang dumating si lukresia sa pantry na humahangos. bigla na lang hinila ang isang table doon palayo. take note, 'yung table na hinila niya ay may nakapatong na foodels at may kumakain ng mga sandaling 'yon. ito nga ang chika nung taong kumakain that time na itago naten sa namesung na kiki (may **** ka na, may **** ka pa. - ito ang clue. heheh). siyempre si bakla, naloka. parang, hellleeerrrr!!!! bulag ka ba? at nag-hi pa raw si lukresia sa kanya as if hindi siya nakita na lumalafez sa table na hinila niya. ultimate lukresia talaga si bakla.

ex-jowabels nga pala ni lukresia 'yung isang officemate rin namen na may tsismax na may saltik din which is hindi ko alam kung trulalu or eklavu. ang alam ko lang ang buyangyang chever siya ng shutawan niya wearing white cycling shorts (super short) the last time na swim galore kame somewhere out there. at kineri niya matulog wearing brippany murphy lamang sa kabila ng lamig na dulot ng aircon. pero hindi ito ang isa pang chika kay lukresia. may kumalat kasi (at patuloy pa na kumakalat) na tsismis na nagkembutan daw sila ng company nurse ditey at ito'y dala ng init ng katawan lamang. though i never thought na keribambam lang kay gurlilet gawin 'yun, hindi rin naman ako na-shock ng bongga ng marinig ko 'yun kasi nga, lukaret siya.

eto pa!!! bukod sa nakipagkembutan siya sa nurselalu na 'yun, may i mcFlirt si bakla sa dalawang officemates namen. 'yung isa from graveyard shift at 'yung isa morning shift. i-shogo naten sa namesung na Blacky si gy shift boylilet at Whitey si morning shift boylilet. Oh di ba? Parang pinag-isipin ng maigi. Binase ko lang naman sila sa kanilang complexion. Charlotte!!! hahahaha...

Talaga nga naman ang tsismis. Kung saan saan mo mahahagilap. 'yung iba fresh pa, 'yung iba napaglipasan na. ako'y mamamaalam muna at ako'y naglalaway na naman sa chika. sobrang juicy!!!!!

Tuesday, January 11, 2011

random things about me...

1. allergic ako sa gulay. choz! hindi lang talaga ako kumakain ng gulay maliban sa patatas at repolyo sa nilagang baboy.

2. mas gusto ko ang ulam na walang buhay tulad ng hotdog at fried egg kung ang ulam namin any kare kare ( care care ko sa kare kare)

3. sabaw ng sinigang na baboy at walang hanggang kanin, winner!

4.  pagsayawin mo ako maghapon, ikaw ang mapapagod. pramis!

5. kung gusto mo ako ma-stress, kaibigan, usap tayo (basahin sa tono ni tito boy).. ng ingles.

6. hate ko ang pawis (eeewww). pero pawisin ako ( pero mabango)

7. noon. sa aming pamantasang mahal, bawal ang buhok lagpas sa earlalu, si bekbek pasaway. ngayon. pwedeng pwede na sa office, pero every 2 or 3 weeks ako sa salon for my haircut.

8. kung gusto mo ako mag-stay sa bahay (ikadena 'nyo ko, char!), ipasara 'nyo ang MRT at LRT. ayako kasi ng traffic kaya hindi ako masyado sumasakay ng jeepestra.

9. frustration ko ang tumaba at lumagpas ng 130 lbs. sa kabila ng at least 3 cups of rice per meal na eksena ko, wala pa ring effect sa katawan ko. kung meron man sobrang sweet lang.  constru na constru ang way ng paglamon ko. pati merienda, kanin pa rin.

10. ayako ang mainit na panahon pero mas hindi ko bet ang putik at baha kapag tag-ulan.

11. ang nag-iisang isda na alam kong kainin ay tuna (sa lata).

12. takot akong mag-isa sa dilim. hindi pala. malandi pala ako sa dilim.  (hihihi...)

13. hindi ako naniniwala sa multo pero takot ako sa kanila.

14. takot ako sa ahas (sa totoong ahas, hindi 'yung nasa isip mo)

15. kape ang bumubuhay sa'ken sa opisina. hindi ako mahilig, 3-4 cups a day.

16. hindi ito weird, marami kami na may ganitong eksena. hindi ako makakatulog kapag wala ang kulambo ko sa paa. kahit saang bahay ako mapadpad, kulambo is a MUST. isa siya makapagpapa-iyak sa'ken kapag wala siya sa piling ko. pramis!

17. mapalad ka kapag nakita mong mahaba ang finger nails ko. bestfriend ko ang nail cutter.

18. small or xsmall ang size ko. may mangilan ngilan akong large and xlarge size shirts... from kids section.

19. lately ko lang na-realize na ang way ng pag-erna ko ay pambagets pa rin. hindi ako sanay umupo sa trono, kailangan tuntong. kailangan walang sagabal, all the way ito para free-ng free ang feeling. at wala ng mas aarte pa sa pag-erna ko, kailangan with background music.

20. bilang isang PT, dapat alam ko ang proper posture and body mechanics. oo alam ko. alam ko lang. ang hirap i-practice eh.

21. minsan ako'y nangarap na maging scientist, waiter at bellboy. (may konek sila di ba?)
ang hirap pala ng ganitong eksena. hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'tong blog na itey. i must say na birhen pa akez literally and figuratively. charito!

para sa una kong entry isang napaka walang kwenta at walang ka-amor amor na post ang iniaalay ko sa inyo (as if may nagbabasa nito sa mga sandaling ito maliban sa'kin) hahaha...

habang busy ako sa pagta-type dito, mejo pasilip silip si kuyang amoy tinapay(putok) dito sa tabi ko. chuserang 'to! chismax to the max! patas na kame kasi na-tsismis ko na fesbuk na amoy tinapay siya. pag nagkaroon ako ng chance talaga, isasawsaw ko sa kape yung kili kili niya. ang tindi talaga ng aroma, humahagod, gumuguhit. kakaadik.
 
hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob ng gumawa ng sarili kong blog. wala rin naman akong alam sa pagsusulat ng mga ganitong eksena. marami sa mga officemates ko ang tuwang tuwa sa mga posts ko sa fesbuk sa hindi malamang kadahilanan at gusto nila mag-post ako ng mag-post hanggang sa maumay sila. siguro bukod sa marami sa kanila ang aliw na aliw sa mga walang ka-kuwenta kuwenta kong posts, sobrang na-inspire talaga ako simula ng mabasa ko ang mga blogs ng mga pamosong sina BM, soltero, aris, manadaya-moore at kung sinu sino pa.

nagsmiula ang lahat ng ito ng mapadpad ako sa powerbooks (sa Trinoma) at bumili ako ng pink book (ni Wanda) out of the blue. Matapos kong mabasa ang buklilet sa isang upuan (hindi itey exaggerated, masakit sa puwet kasi may katagalan), isang link na nakalagay sa likuran nito at ito nga ang kanyang blog (na hanging by a moment na ang drama).

kasabay ng pag-perspire ng kili kili ko ngayon, na-inspire ako matapos ko mabasa ang mga istorya nya, sinundan pa nun ng mga nakakaaliw at nakakalokang blogs ni BM at makapanindig enTITY na stories ng inglaterang si soltero (nyetang soltero yan! umuuwi ako from office na laging masakit puson dahil sa mga kuwento nya). hindi ko alam kung sadyang inggit lang ako at gusto ko silang gayahin or ewan. hindi ko rin naman inaasam na maging popular na maging tulad nila sa mundong ito (dahil popular na ako, choz!) dahil mukhang hindi naman mangyayari for obvious reason (dahil sa walng kwentang entry na 'to!) hahahaha...

gusto ko lang siguro ilabas ang mga nararamdaman ko rito (twitter?), maglahad ng mga karanasan ko at hopefully magbigay ng aral kung mayroon mang maibibigay na lesson ang mga ipo-post ko pa rito soon. isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ginusto kong kumembot ng ganito ay upang maibaling ko ang aking atensyon dito dahil sa kawalan ng lablayp. pero kung anu pa mang dahilan ang idahilan ko sa inyo, basta gusto ko itong ginagawa ako. kung anuman ang kahahantungan nito... yun! hahahaha.. muntanga lang! wala na ako maisip. sana next kembot, may katuturan naman yung nakalagay dito. at hindi ko maipapangako na kaya kong pantayan ang lebel ng mga ingla ingla nila. tae tae english ko eh. hahaha...

eksena lang,
ako